Monday, February 2, 2009

Displaced Workers May Swell Vendor Population

Hayag sa balita ang pagkawala ng libu-libong trabaho sa mga Pinoy. Ito’y mapasa-bansa o abroad man. Sa pagkalampag ng mga manggagawang nawalan ng trabaho sa DOLE - upang hingi-an ng ayuda o buffer, marami ang umaasa na ang munting-tulong na kanilang matatanggap ay makakatawid sa pansamantalang kawalan.

At kung makatanggap man ng ayuda mula sa gobyerno o ng separation (severance) pay mula sa kumpanyang nagtiklop-banig, marahil ang ilan ay mag-iisip ng maliit na negosyong na maaring pagsimulan. Habang ang iba nama’y naubusan na ng pondo bago pa man dumating ang pagkakataong makapamili ng isang produktibong hakbang - tulad ng pagtitinda.

Ang pagtitinda – gayong isang marangal na hanapbuhay, ay mga kalakip na balakid. Partikular na rito ang renta sa puwesto. Kaya’t sa halip na ibuhos ang mumunting-kapital sa upa, isa sa mga alternatibong maaaring maisipan ay ang magtinda sa bangketa. Lamang, ang paraang ito’y hindi sang-ayon sa pinaiiral na batas.

Sa kabilang banda, ang pagpapa-iral ng batas laban sa mga iligal street vendors dito sa Pilipinas ay may dalawang karakter: minsa’y mahigpit, minsa’y maluwag. Kumbaga’y maligamgam o bakla. Ang mariing tinututulan dito ng sinomang may pusong makatao, ay ang pagwasak ng mga paninda o pag-kumpiska ng walang suli-an. At tiyak, bukod sa multa, goodbye na rin ang pinuhunan mo. Kaya’t imbes na kumita, mauuwi lamang sa wala ang lahat ng pagod at mumunting kapital.

At sa lalong tumitinding lagay ng ekonomiya, marahil ay wala pa sa hinagap ng Pamahalaang Arroyo ang nakaambang pag-lobo ng bilang ng mga vendors mapa-lisensyado man o hindi. Sa humigit 8 taon sa puwesto, hindi pa rin na-babanaag ng gobyernong ito ang halaga ng mga vendors sa paghahatid ng mga daily essentials sa bawat’t ordinaryong Pilipino.

Dahil rito, at matapos ang paulit-ulit na pag-alimura sa dignidad ng mga manininda (sa tuwing hinahabol at hinahampas ng mga autoridad); walang pa ring malinaw na batas o alituntuning nagbibigay proteksiyon sa karapatan ng mga vendors.

Yan ang hirap sa mga Politkong-Pinoy. Palibhasa’y mahirap, kinakaya-kaya. At sino nga ba ang politikong nahalal ang totoo sa kaniyang sinabing: Siya’y para sa mahirap?

Instead of harassing and hunting vendors down like criminals, the Arroyo Government is encouraged to promote micro-entrepreneurship. Sadly, too much politics drains down rational thinking favoring the rich, the powerful and the famous. Just who among those politicos can budge against the will of rich mall owners?

Can you please name somebody whom you might know?

No comments:

Post a Comment