Sunday, January 25, 2009

Membership Details: Philippine Vendors Association

Kadalasa’y nababalitaan (sa radio, TV, newspapers) ang pag-alimura sa pagkatao ng mga vendors particular sa mga illegal sidewalk vendors. Napapanood sa mga balita kung gaano na lang sila tratuhin ng may mga authoridad (City, Municipality at lalo na ng MMDA).

Ang may mga legal na status o puwesto nama'y nahaharap rin sa kani-kanilang mga suliranin pagdating sa mga bagay na tulad ng micro-finance, profit margins o ganansya (na tila lumiliit), sa marketability, pagbaba ng bilang ng mga namimili at suliraning pampamahalaan o pribado, particular kapag sila'y tinataasan ng tara o upa sa puwesto.

Sa kabila ng pakikipag-punyagi ng mga local-based vendor associations, tila hindi pa rin sapat ang mga hakbangin ng ilan upang kaharapin ng may mas malawakan at solidong pagsulong ang alin sa mga sumusunod:

1) Pagpapahalaga sa katayuan ng bawat manininda/vendor at papel na kanilang ginagampanan sa lipunan at pangkalakalan;

2) Pagkilala sa karapatan ng mga vendors (karapatang pantao) at tungkulin ng pamahalaan. Tila walang malawakang-kaalaman kung saan ang hangganan sa dalawang nag-uumpugang tungkulin at mga karapatan. Ano ba ang nasasaad sa batas na magbibigay pagkilala sa mga karapatan ng vendors?

3) Political muscle – dahil ang mga politico ay napapaamo lamang minsan sa loob ng tatlong taon. Pagnaka-puwesto na, vendors ang inuunang salakayin para magka-pogi-points agad;

4) Microfinance – kadalasa’y natutugunan ng mga lenders na mahigpit maningil at nagpapatong ng mataas na interes;

5) Murang gamot at pagpapa-ospital – sanhi na rin ng kakulangang financial at kaalaman o impormasyon; at,

6) Solidong pakiki-bukluran - maliit o malaki man ang kalakal.


Simula nang mabuo ang Philippine Vendors Association (PVA) noong 2003, nagdulot ito ng karagdagang kaliwanagan at kalakasan sa mga nagpaunlak na mapabilang sa aming isinagawang pagsaliksik.

Ikinagagalak naming ipaalam na matapos ang limang taong paghahanda, ang Philippine Vendors Association (PVA) ay nagububukas para sa lahat ng mga vendors na nais makisapi.

Sa inyong pakikiisa, sabay nating salubungin ang mga suliraning ating kinakaharap at kakaharapin lalo na sa panahon ng global recession.

Membership details:

Ambulant vendors: 100 pesos annual membership fee plus free I.D. with picture.

Registered sidewalk vendors: 200 pesos annual membership fee plus I.D. with picture.

Non-registered sidewalk/market vendors: 300 pesos annual membership fee plus I.D. with picture.

Registered Market vendors/stall holders: 350 pesos annual membership fee plus I.D. stickers.

Cart-owners, stall holders and vendors in malls: 350 pesos annual membership fee plus I.D. stickers.

Individual vendors (non-professional products): 300 pesos annual membership fee plus I.D. with picture.

Individual vendors (professional products): 500 pesos annual membership fee plus I.D. with picture.

Text Philippine Vendors Association (PVA): 0906-1995-895

No comments:

Post a Comment